Publisher's Synopsis
Dahil sa masamang imahe ng nasirang ama, nagkaroon ng deskriminasyon kay Benjamin "Benjie" Hollerith kaya kahit gusto niyang mamuhay ng normal at may dignidad, napilitan siyang pasukin ang mga ilegal na gawain at nasapi sa isang malaking grupo ng sindikato. Binenta niya ang mga ari-ariang naiwan ng pamilyang pinili magbagong-buhay sa ibang bansa at nagtayo ng sariling kubo sa lugar kung tawagin nilang magkakaibigan na Paradise Promises Land. Muli silang pinagtagpo ni Sharie May "Shy" Funtanella, ang babaeng bumihag sa puso niya noong nasa kolehiyo pa lang na binansagan niyang Blushing Princess. Ang dating sa squatter's area nakatira ay dalawang beses na nakidnap at lagi siyang nasa eksena para tulungan ito. Isang araw kinailangan niya itong gawing hostage para makatakas sa mga pulis. Para makapagbagong-buhay kinailangan niyang tugisin ang grupo ng mga sindikatong nagframe-up sa kanya sa isang kasalanang hindi niya ginawa, ang dahilan ng pagiging pugante niya. Umayon kaya sa kanya ang pagkakataon?